^

Probinsiya

4 bomba narekober

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makilala, North Cotabato - Narekober ng tropa ng mga sundalo ang apat na Improvised Explosive Device (IED) o pampasabog na pinaniniwalaang naiwan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Brgy. Luna Sur, Makilala, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Captain  Ernest Carolina, Spokesman ng  Army’s 10th Infantry Division (ID), bandang alas-6 ng umaga ng matagpuan sa lugar ang mga pampasabog na nakasabit sa sanga ng isang punong kahoy.

Sinabi ni Carolina na isang sibilyan ang nakakita sa nasabing mga eksplosibo na agad naman nitong ipinagbigay alam sa mga elemento ng Peace and Development Team ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB).

Agad namang nagresponde ang tropa ng mga Explosive and Ordnance Division (EOD) ng 39th IB at narekober ang mga bomba bago pa man ito sumabog at makapinsala.

Pinaniniwalaan namang target ng pampasabog ang mga sundalong nagsasagawa ng patrol operations sa naturang lugar.

Isinailalim na sa kustodya ng EOD ng  39th IB ang mga narekober na bomba para sa kaukulang disposisyon. 

 

vuukle comment

ERNEST CAROLINA

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

LUNA SUR

MAKILALA

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with