^

Probinsiya

2 kidnapper tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang dalawa sa anim na pinaghihinalaang kidnapper kabilang ang dalawang traffic enforcer habang nasagip naman ang dinukot ng mga itong driver sa isinagawang rescue ope­ration kahapon ng madaling araw sa  bayan ng Naic.

Ang biktimang ligtas na nabawi ay nakilalang si Rodel Soriano, 38, may asawa, tricycle driver at residente ng Ciudad Nuevo, Naic, Cavite. Nakilala naman ang dalawang naarestong suspek na sina Ruben Daypal, 43, traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng Golden City, Bgy Salawag, at si Edwin Tepace, 39, driver ng Brgy. San Marino; pawang ng Dasmariñas City, Cavite.

Samantalang pinaghahanap naman ang mga nakatakas na kidnapper na sina Peter Ignacio; Alias Doreymon; Alias Jericho; at alias Intoy.

Sa imbestigasyon, sinabi ni PO3 Randy Andanar, may hawak ng kaso ang biktima ay dinukot ng mga suspek matapos itong puwersahang isakay sa isang kulay puti noong Mayo 21 sa terminal ng tricycle sa Phase 2, Brgy. Timalan, Balsahan, Naic.

Matapos nito ay nakatanggap na ng sunud-sunod na text ang misis ng biktima na si Gennelyn Villarosa, 24 mula sa mga suspek na humihingi ng halagang P100,000.00 kapalit ng kalayaan ng kanyang mister.

Humingi naman ng tulong ang ginang sa pulisya na nagresulta sa pagkakabitag sa mga suspek.

 

vuukle comment

ALIAS DOREYMON

ALIAS JERICHO

BGY SALAWAG

BRGY

CAVITE

CIUDAD NUEVO

EDWIN TEPACE

GENNELYN VILLAROSA

GOLDEN CITY

NAIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with