^

Probinsiya

Ex-Insurance commissioner, tinodas ng akyat bahay gang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na kamatayan ni dating National Insurance Corporation (NIC) Commissioner Atty. Eduardo Malinis matapos na pagnakawan ay paslangin pa sa bigti ng dalawang hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay gang sa loob ng tahanan nito sa Bacoor City, Cavite nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Bacoor City Police Chief P/Supt. Rommel Estolano ang biktimang si Atty. Malinis, 75 anyos, biyudo at residente ng No. 331, St. Joseph Subdivision, Brgy. Panapaan III ng lungsod ay nag-iisa sa kaniyang tahanan ng maganap ang krimen.

Sinabi ni Estolano ang krimen ay nadiskubre ng kapitbahay ng matanda na si Danny de Jesus bandang alas-4:30 ng hapon matapos itong sumilip sa bintana ng tahanan  ng biktima sa nasabing lugar.

Agad namang nag­res­ponde ang mga operatiba ng Bacoor City Police at nadatnan sa kusina  si Malinis na nakagapos ng manipis na wire ang dalawang mga kamay at paa, may tali sa leeg, naka-tape ang bibig at nakatakip ng damit sa ulo.

Samantalang magulung-magulo ang buong kabahayan at nakabukas ang lahat ng drawer gayundin ay nakabaligtad ang mga higaan sa bahay ng matanda. Naisugod pa sa St. Dominic Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead-on- arrival.

Sa pangunang imbestigasyon, puwersahang winasak ng mga suspek ang pintuan ng tahanan ng biktima at nadiskubre rin na nawawala ang laptop nito at hindi pa madeterminang halaga ng pera.

Inihayag ng opisyal na may lead na ang pulisya sa pagkakakilanlan ng dala­wang suspek bagaman tumanggi munang idetalye ito upang hindi mabulilyaso ang dragnet operation. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

 

AKYAT BAHAY

BACOOR CITY

BACOOR CITY POLICE

BACOOR CITY POLICE CHIEF P

COMMISSIONER ATTY

EDUARDO MALINIS

MALINIS

NATIONAL INSURANCE CORPORATION

ROMMEL ESTOLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with