^

Probinsiya

Raymond Bus 30 araw sinuspinde ng LTFRB

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatawan ng 30 araw na suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kompanya ng bus na sangkot sa aksidente sa probinsya ng Quezon.

Limang bus ng Raymond Bus company ang hindi muna maaaring makabiyahe matapos masangkot sa aksidente kung saan dalawang katao ang nasawi.

May rutang Cubao, Quezon City patungong Camarines Sur sa Bicol Region ang mga suspendidong bus.

Kaugnay na balita: Bus vs trak sa Quezon, 2 patay, 13 sugatan

Nitong kamakalawa ay bumangga ang isang unit ng Raymond bus sa isang 10-wheeler truck sa kahabaan ng Diversion Road, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon province.

Isa sa mga nasawi ay tatlong-taong-gulang na babae, habang 13 pang pasahero ang sugatan.

BICOL REGION

BRGY

BUS

CAMARINES SUR

CUBAO

DIVERSION ROAD

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

QUEZON

QUEZON CITY

RAYMOND BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with