^

Probinsiya

Nene nagtampo sa ate, nagbigti

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa simpleng pagtatampo sa kaniyang nakatatandang kapatid, nagpasalubong kay kamatayan ang 12-anyos na nene makaraan itong magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:10 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Laiza Panganurong sa loob ng silid nito sa Barangay Begong sa nasabing bayan. Gumamit umano ang biktima ng nylon rope sa kanyang pagbibigti bagay na halos hindi mapaniwalaan ng kaniyang pamilya. Isinugod pa ang biktima sa Zamboanga del Sur Medical Center subalit idineklarang patay. Sinasabing ang biktima ay may kimkim na sama-ng-loob sa nakatatanda nitong kapatid na si Mylin na palagi umanong nakalalamang sa kanilang pamilya.

vuukle comment

BARANGAY BEGONG

CAMP CRAME

DAHIL

GUMAMIT

ISINUGOD

LAIZA PANGANURONG

MYLIN

SINASABING

SUR MEDICAL CENTER

TIGBAO

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with