Bombing silat
MANILA, Philippines - Nasilat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang pagpapasabog ng mga pinaghihinalaang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasunod ng pagkakarekober ng isang bomba sa harapan ng municipal hall ng Shariff Aguak, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.
Sa phone interview, sinabi ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rodelio Jocson, pasado alas-8 ng gabi ng marekober ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa lugar.
“The Explosive and Ordnance Disposal (EOD) team disrupted the IED placed in front of Shariff Aguak municipal hall,†ani Jocson bago pa man sumabog at makasakit ng mga sibilyan ang bomba.
Agad nagresponde ang mga awtoridad na ikinordon ang lugar matapos na makumpirmang isa itong uri ng eksplosibo.
Ayon naman kay Col. Jener del Rosario, matagumpay namang nai-detonate ang nasabing bomba na narekober ilang oras matapos na masamsam ng tropa ng pamahalaan ang arms cache ng BIFF at pagkakaÂaresto sa isa nitong miyembro sa bayan ng Rajah BuayanÂ.
- Latest