Police applicant utas sa 3km run
MANILA, Philippines - Hindi na magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng 25-anyos na babaeng aplikanteng pulis matapos itong mamatay habang sumasailalim sa agility test sa pamamagitan ng 3KM run sa Police Regional Office (PRO) 9 sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Ayon kay P/Senior Inspector Robert Ortega, spokesman ng PRO 9, kinilala ang biktimang si Marichel Dagsan na namatay habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center.
Si Dagsan na taga-Alicia, Zamboanga Sibugay ay dinala sa nasabing pagamutan kamakalawa ng umaga matapos itong sumabak sa 3 kiloÂmeter run na bahagi ng pagsubok sa kakayahang piÂsikal ng mga aplikanteng pulis.
Nabatid na nasa 160 apliÂkanteng pulis ang sumaÂilalim sa nasabing test sa Camp Romeo Abendan kung saan nakumpleto naman ni Dagsan ang 3 KM run pero namutla ito, hinahabol ang paghinga at dinala sa hospital dakong alas-9:45 ng umaga.
Gayon pa man, habang nasa pagamutan ay dumanas ng kombulsyon si Dagsan hanggang sa bawian ito ng buhay.
Idineklara naman ng mga manggagamot na namatay ang biktima dahil sa hypoxic ischaenic encephalopathy secondary to status epilepÂticus o kinapos ng oxygen sa utak.
- Latest