Dalaga inutas ng lover
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines -– Napatay ang 23-anyos na dalaga matapos barilin ng kanyang lover na sinasabing may matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay Palane, bayan ng Balud, Masbate. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Nancy Bandol habang nasakote naman ang suspek na si Richard Martinez, 31, casual na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Balud at residente ng nasabing barangay. Lumilitaw na kinompronta ng suspek ang biktima kaugnay sa bagong manliligaw kung saan itinanggi naman ng dalawa. Gayon pa man, hindi pinaniniwalaan ng suspek ang alibi ng biktima kaya naganap ang pamamaslang.
- Latest