36 bihag pinalaya, 3 hawak pa ng NPA sa ComVal
MANILA, Philippines - Matapos gawing human shields, pinalaya na ng rebeldeng grupong New People's Army ang 36 nilang bihag sa Compostela Valley.
Sinabi ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Maj. Gen. Domingo Tutaan 10 ang pinalaya ng mga rebelde kahapon sa Sitio Tabon, Brgy. Panamin, Mabini, Compostela Valley.
Kahapon ng umaga nang unang magpalaya ng 26 na bihag ang Guerilla Front 2 Pulang Bagani Command ng NPA, dagdag ni Tutaan.
Samantala, tatlo pang bihag ang hawak ng mga rebelde matapos nilang matunugan ang pagtugis sa kanila ng mga militar.
Ginawang panangga ng mga miyembro ng NPA ang mga sibilyan upang hindi sila paputukan ng mga awtoridad.
- Latest






















