^

Probinsiya

OFW kritikal sa saksak ng selosong live-in partner

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa text message, agaw-buhay ngayon ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos itong pagsasaksakin ng selosong live-in partner na ikinasugat din ng ina at kapatid nitong lalaki sa Iloilo City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Julie Ann Tayco, residente ng Sampaguita Street, Veterans Village ng nasabing lungsod.  Si Tayco ay nasa kritikal na kondisyon sa isang pagamutan.

Patuloy ding nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kapatid nitong si Ronquillo at ina nito matapos na magtamo rin ng mga sugat sa katawan habang inaawat ang suspect.

Sa ulat ng Iloilo City Police, naganap ang insidente bandang alas-8 ng umaga matapos na mag-init umano ang ulo ng suspek na kinilalang si Melvin Chua sa nabasang text message sa cellphone ng kaniyang live-in partner mula umano sa isa nitong tagahanga.

Sa tindi ng selos ay agad na kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang ka-live-in. 

Tinangka namang uma­wat ang kapatid at ina ni Tayco kaya nagtamo rin ang mga ito ng saksak.

Nasakote naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek  habang papatakas kung saan nakumpiska rin mula rito ang patalim na ginamit.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng Iloilo City Police ang  nasakoteng suspek.

 

vuukle comment

ILOILO CITY

ILOILO CITY POLICE

JULIE ANN TAYCO

MELVIN CHUA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SAMPAGUITA STREET

SI TAYCO

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with