Bumaril sa alkalde, sumuko
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sobrang pagsisisi at pagkakataong humingi ng kapatawaran ang hinihiling ngayon ng isang katutubo sa nagawang pamamaril kay Pasil, Kalinga Mayor James Edduba matapos itong sumuko kay P/Senior Supt. Victor Wanchakan sa Tabuk City kamakalawa. 

Sobrang kalasingan ang idinahilan ng suspek na si Kitkiti La-os Suyam na isang katutubong Basao sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.
Sinabi ni Suyam na hindi nito alam na isa palang alkalde ang kanyang nabaril noong Sabado ng gabi (Abril 26) sa Sitio Pinagan, Barangay Lucog, Tabuk City matapos masagasaan ng driver ni Edubba na si Eddie Bawalan ang alagang aso.

Si Suyam ay nahikayat na sumuko nina Kalinga “Bodong†Peace Pact Council Chairman Engr. Andres Ngao-i at Pastor Luis Ao-as upang mapigilan ang pagputok ng tribal war sa pagitan ng magkaribal na tribo ng Pasil at Tinglayan. 

Nabatid na naitapon ni Suyam ang ginamit na cal. 45 pistol sa kanyang pagtakas dahil na rin sa takot.

Hindi pa rin nakukuha ang panig ni Mayor Edubba na sa ngayon ay inoobserbahan pa rin sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City.
- Latest