Principal dinedo ng mister na pulis
TACURONG CITY, Philippines – Binaril at napatay ang isang misis ng kanyang mister na pulis makaraang mag-away sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tual, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Insp. Gary Marfil, hepe ng President Quirino PNP ang biktima na si Saligyn Pabustan-Ortiz, punong guro ng Griño EleÂmentary School sa Barangay Gansing, Tacurong City.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang kanilang kabaro na si PO3 Jonathan Ortiz ng Sultan Kudarat PNP Provincial Office.
Ayon kay Marfil, nagkainitan muna ang mag-asawa sa pagtatalo dahil sa away sa pamilya kung saan nagalit ang suspek kaya naganap ang pamamaril.
Ayon P/Supt. Marvin Fontalva, head officer ni PO3 Ortiz, na may standing order din sa mga kasamahan ng suspek na arestuhin ito sakaling magpakita sa kanila.
- Latest