Bus bumaliktad: 6 patay, 17 sugatan
MANILA, Philippines - Anim-katao kabilang ang 3-buwang gulang na sanggol na lalaki ang namatay habang 17 iba pa ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Aurora, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga naÂmatay ay sina Kent Jhon Lachica, 7; Jorelyn Lachica,14; Clenie Chiarra Lachica, 16; pawang namatay sa pinangyarihan ng sakuna at mga nakatira sa Lanao del Norte habang sina Jhecyl Nicdao, 2; Revin John Languyan, 3-buwang gulang na sanggol; at si Lilia Billetes ay namatay habang ginagamot sa Kapatagan Hospital.
Sugatan naman sina Rosalyn Ceniza, 29; EpiÂfania Jumawan, 73; Anecita Quiapo, 66; Diosdada Benigay, 53; Arjohn Bandico, 16; Mark Dennis Martel, 18; Marcelisa Nicdao, 29; Evelyn Delosa, 43; John Rey Lachica, 5; Delia Martel, 42; John Rey Tayogan, 13; Yo Tayogan at Jimjim Tayogan; Solomon Soliva, 49; Janice Lunguyan, 22; Maria Estelita Talampas,53 at si Arlene Apostol, 46.
Sa ulat ni P/Senior Inspector Robert Ortega na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway sa Purok 1, Barangay Anonang dakong alas-12:10 ng hapon.
Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng Rural Transit of Mindanao Incorporated (KWU 252) na patungong Cagayan de Oro City nang makasalubong si kamatayan.
Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Biato Dumpa habang buÂmabagtas sa pakurbadang highway kaya bumaliktad ang bus nang makailang ulit at nagpagulung-gulong.
Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng bus kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito.
- Latest