3-anyos nilamon ng apoy
NORTH COTABATO, Philippines - - Natusta sa sunog ang tatlong taong gulang na bata matapos na maiwan ito sa ikalawang palapag ng bahay na nilalamon ng apoy sa Barangay Alab, bayan ng Arakan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Senior Insp. Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP, kinilala ang biktima na si Riezel Bangoy, apo ni Barangay Chairman Leo Arandilla, may-ari ng bahay. Batay sa ulat, naiwang kandila ang pinagmulan ng apoy dahil kasagsagan ng brownout sa nasabing lugar habang natutulog ang bata sa ikalawang palapag ng bahay. Napansin na lamang ni Arandilla na malaki na ang apoy at di-na rin nilang nagawa pang iligtas ang bata. Makalipas ang ilang minuto ay naapula naman ang apoy kung saan gawa sa light materials ang bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.
- Latest