^

Probinsiya

4-anyos ni-rape slay, hinulog sa tunnel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan  ang sinapit ng 4-anyos na nene matapos halayin ay pinatay pa sa sakal ng isang lalaki saka inihulog sa tunnel ng minahan ng ginto sa Barangay Gaulan, bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Robert Ray Bahian, director ng Zamboanga Sibugay PNP, ang biktima na si Richel Ann Tampal kung saan nadiskub­re ang bangkay sa inabandonang minahan sa Purok 6 sa nasabing barangay.

Nabatid na  ang bata ay ilang araw ng nawawala matapos itong mabigong umuwi bago matagpuan ang krimen.

Kinumpirma naman ni Dr. Michael Siti na positibong ginahasa ang bata base na rin sa resulta ng post-mortem examination.

Ayon sa ulat, may nakapagsabing nakita ang biktima na inaakay ng suspek na si Geromnik Dacles patungo sa direksyon ng inabandonang minahan.

Lumilitaw na binigyan umano ng kendi ng suspek ang bata saka niyaya nitong maglaro kaya sumama sa kaniya kung saan ay pinagsamantalahan nito ang musmos at hindi pa nakuntento ay isinagawa ang pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GAULAN

DIPLAHAN

DR. MICHAEL SITI

GEROMNIK DACLES

RICHEL ANN TAMPAL

ROBERT RAY BAHIAN

SENIOR SUPT

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with