Inaway si misis, nagbigti
BULACAN, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 34-anyos na mister na sinasabing inaway ng kayang misis matapos itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng umaga. Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Silo, lumilitaw na inaway ang biktimang si Leo Eraldo ng kanyang misis kaya mag-isang uminom ng alak sa kanilang silid. Kinabukasan ay natagpuan ang biktima na nakabitin sa punungkahoy sa likuran ng kanilang bahay kung saan wala namang iniwang suicide note.
- Latest