3-katao utas sa holdaper
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang street vendor at kasambahay nito makaraang pagsasaksakin ng dalawang di-kilalang lalaki sa District 3, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Cauayan City PNP ang mga biktima na sina John Pasno, 30; Lovely Pasno at ang helper na si Edwin Bautista, 22. Lumalabas sa imbestigasyon na nanlaban ang mga biktima sa dalawang holdaper matapos tangkaing agawin ang bag ni Lovely na naglalaman ng kinita sa pagtitinda ng isaw at balot sa maghapon. Mabilis na nakatakas ang dalawa tangay ang pera ng mga biktima.
- Latest















