Lola inutas, lolo nag-suicide
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Napatay ang 58-anyos na lola matapos itong saksakin ng kanyang kinakasamang lolo na nagpaÂkamatay naman sa kanilang bahay dahil lamang sa hatian sa pera kamakalawa sa Brgy. Langagan, bayan ng Sanchez Mira, Cagayan. Kinilala ni SPO1 Boy TuriÂngan ang lola na si Estrella Dingle habang nagsaksak naman sa sarili ang lolong si Jaime Aguire, 62, biyudo, ng Brgy. Marzan sa nasaÂbing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaÂugnay sa hatian ng perang nakuha nila sa pagsangla sa ari-arian ng lolo. Nabatid na ang pera ay gagamitin sana ng lolo sa pagpapagamot nito kaya hindi pumayag sa kagustuhan ng babae. Ayon sa ulat, sinundan ng lolo ang kinakasama sa kanyang bahay at doon isinagawa ang pananaksak. Matapos patayin ang kinakaÂsamang lola ay isinaksak ng lolo sa sarili ang ginamit na 16-pulgadang butcher’s knife.
- Latest
















