Supplier ng bomba ng NPA, kalaboso
MANILA, Philippines - Saku-sakong kemikal na gamit sa paggawa ng bomba ang nasamsam ng pinagsanib na tropa ng militar at National Bureau of Investigation matapos salakayin ang sinasabing tiangge ng bomba habang nasakote naman ang supplier ng landmine ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Army’s regioÂnal spokesman Captain Alberto Caber, isinagawa ang raid sa nasabing tiangge sa Barangay Poblacion, bayan ng Nabunturan matapos makakuha ng search warrant mula sa mababang hukuman.
Kabilang sa mga nasamsam ay 11-sako ng ammonium nitrate (275 kilo), 1,132-metro ng time fuse, 569 piraso ng blasting caps, drum ng cyanide at tatlong kilo ng kemikal ng mercury.
Pansamantalang hindi muna tinukoy ng opisyal ang pangalan ng nasakoteng supplier ng mga nasamsam na kemikal habang patuloy pa ang pagtugis sa mga kasamahan nito.
Sa kabuuan, sinabi ni Caber na mula 2010 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 465 piraso ng landmine ang pinasabog ng NPA kung saan 138-katao ang napatay, 345 ang sugatan habang marami pang mga ari-arian ng sibilyan at pasilidad ng gobyerno ang napinsala.
- Latest