^

Probinsiya

May-ari ng grocery itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Napatay ang 56-anyos na negosyante matapos itong holdapin at barilin ng mga armadong lalaki kamakalawa ng tanghali sa tapat mismo ng kanyang grocery sa Barangay Poblacion 4, bayan ng Silang, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Alberto Balintag, may asawa at may-ari ng Celbert Grocery habang hindi naman sinaktan ang kasama nitong pamangking si Ross Russel Gonzales. Sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Tisado Torralba, lumilitaw na patungong banko ang magtiyuhin para mag-deposit ng malaking halaga nang harangin at holdapin ng mga armadong lalaki. Gayon pa man, pumalag ang biktima kaya isa  sa mga holdaper ang bumaril sa kanya saka inagaw ang maliit na bag na naglalaman ng P2 milyon cash. Bineberipika naman ng pulisya ang may-ari ng kotseng may plakang TML-827 na ginamit ng mga holdaper na nakuha sa CCTV camera footage.

ALBERTO BALINTAG

BARANGAY POBLACION

BINEBERIPIKA

CAVITE

CELBERT GROCERY

CHIEF INSPECTOR TISADO TORRALBA

GAYON

NAPATAY

NAPURUHAN

ROSS RUSSEL GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with