Lover ni misis kinatay ni mister
MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang panibugho ng 38-anyos na mister makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kalaguyo ng kanyang misis sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Edgar Omega, 40, may asawa, mason, tubong Davao Oriental at naninirahan sa Barangay Parian sa nasabing lungsod.
Nadakip naman ang suspek na si Jesus SarsilÂya, karpintero, may asawa, ng Barangay Cristobal sa nasabi ring lungsod.
Sa report na isinumite ni P/Supt. Marvin Joe Chiday Saro kay P/Senior Supt. Romulo Emocling Sapitula, Laguna PNP director, naganap ang pananaksak bandang alas-3:54 ng hapon sa mismong bahay ng biktima sa Purok 3 Labak, Barangay Parian.
Lumilitaw na sinugod ng suspek ang biktima at inundayan ng sunud-sunod na saksak saka tumakas.
Sa pagsisiyasat ng pulisÂya, lumalabas na nabisto ng suspek ang ginagawang pakikipagrelasyon ng biktima sa kanyang asawa kaya isinagawa nito ang pamamaslang.
- Latest