^

Probinsiya

175 Taiwanese tiklo sa Pampanga credit card scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ang 175 Taiwanese dahil sa umano'y paggawa ng mga pekeng credit card sa Pampanga.

Limang bahay ang sinugod ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isang subdivision sa lungsod ng Angeles kagabi.

Nakumpiska sa operasyon ang iba't ibang cellphone at laptop na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang ilegal na operasyon.

Nagtatawag sa telepono ang mga suspek at mang-aalok ng credit card ngunit nanghihingi muna sila ng bayad na idedeposito sa isang bangko.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano nakapasok sa bansa ang mga Taiwanese at nakapagpatakbo ng ilegal na gawain.

Nakakulong ngayon sa NBI regional office ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o ang Access Devices Regulation Act. 

ACCESS DEVICES REGULATION ACT

INIIMBESTIGAHAN

LIMANG

NAGTATAWAG

NAKAKULONG

NAKUMPISKA

NASAKOTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with