Prangkisa ng naaksidenteng bus sa SLEX kinansela
MANILA, Philippines – Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Huwebes ang prangkisa ng kompanya ng bus na naaksidente sa South Luzon Expressway sa bahagi ng lalawigan ng Laguna nitong Lunes.
Umabot sa 23 yunit ng Southern Carrier Company Inc. ang kinansela ng LTFRB matapos tumagilid ang kanilang bus sa SLEX na sakop ng Sta. Rosa City, Laguna.
Sinabi ni Maan Salada ng LTFRB media relations office na ibinasura nila ang inihaing motion for reconsideration ng kompanya para sa pagpapalawig ng kanilang prangkisa.
Nasa 45 katao ang sugatan, kung saan isang ginang ang naputulan ng braso.
- Latest