^

Probinsiya

Binata nalunod dahil sa nobya

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Nagmistulang pelikula nina Romeo and Juliet ang naganap na trahedya matapos na mamatay ang lalaki habang sinisikap na sagipin ang kanyang kasintahan na nalulunod sa ilog ng Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Norzagaray Hospital ang biktimang si Ricarte Cosinillo, 29, ng Sitio Pogpog, Brgy. Poblacion. Ayon kay PO2 Dennis Silo, dinayo ng biktima at kasintahan nitong si Aira Mina Yambao kasama ang ilang kaibigan ang Matictic River sa Sitio Bakas. Habang naliligo ang babae ay tinangay ito ng malakas na agos sa ilalim ng ilog kung saan sinagip naman ng biktima subalit habang nasa pampang ay tinangay naman ng agos ang lalaki kaya tuluyang nalunod. Tumagal pa ng isang oras bago narekober ang bangkay ng biktima.

vuukle comment

AIRA MINA YAMBAO

AYON

BARANGAY MATICTIC

DENNIS SILO

MATICTIC RIVER

NORZAGARAY HOSPITAL

RICARTE COSINILLO

ROMEO AND JULIET

SITIO BAKAS

SITIO POGPOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with