^

Probinsiya

NPA rumesbak: 2 sundalo bulagta, 4 sugatan

Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  - Mistulang iginanti ng mga rebeldeng New People’s Army ang pagkakadakip sa mag-asawang mataas na lider ng kanilang grupo makaraang tambangan at mapatay ang dalawang sundalo na lalahok sana sa medical mission habang apat naman ang nasugatan sa liblib na bahagi ng Barangay Cogorin Ilaya, bayan ng Lopez, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ang mga napatay na sundalo na sina 1st Lt.Ray Jun Blancada at Pfc. Mark Malabanan habang su­gatan naman sina Cpl. Michael Mendano, Pfc. JZ Wilbourne Nisperos, Pfc. Francis Marcaida at si Pfc. Jomar Gruta. Sa inisyal na ulat na nakarating kay Lt. Col. Lloyd Cabacungan,  public information officer ng Phil. Army –SOLCOM, patungo sa Barangay Vegaflor sakay ng KM450 military truck ang pangkat ni 1st Lt. Rey Jun Blancada ng  Alpha Company, 85th Infantry Battalion ng Phil. Army upang lumahok sa medical mission nang tambangan  ng mga rebelde.Kaagad na napuruhan at napatay ang isang tinyente at sundalo sa sorpresang pagkilos ng mga rebelde kung saan sugatan naman ang apat na iba pa. Tumakas ang mga rebelde patungong Barangay Binahian B at Ilayang Ilog matapos ang dalawang oras na bakbakan. Nabatid na istilo na ng mga rebelde ang magsagawa ng ambushcades at iba pang uri ng terorismo kaugnay ng gaganaping ika-45 taong anibersaryo ng NPA sa ika-29 ng buwang kasalukuyan. Noong Sabado ay naaresto ang mag-asawang Tiamzon na sinasabing matataas na lider ng NDF sa bayan ng Aloguinsan, Cebu.

 

vuukle comment

ALPHA COMPANY

BARANGAY BINAHIAN B

BARANGAY COGORIN ILAYA

BARANGAY VEGAFLOR

FRANCIS MARCAIDA

ILAYANG ILOG

INFANTRY BATTALION

JOMAR GRUTA

LLOYD CABACUNGAN

MARK MALABANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with