^

Probinsiya

Dalaga dinukot sa QC, nakatakas sa mga kidnaper

Cristina Go-Timbang Cavite - Pilipino Star Ngayon

Cavite , Philippines   - Masuwerteng nakatakas sa kamay ng mga kidnaper ang isang 25-anyos na dalaga na kinidnap sa Quezon City matapos nitong malansi ang mga suspect sa liblib na lugar ng Brgy. Dapdap East Tagaytay City habang nag-aantay ng ransom money kamakalawa ng gabi.

Nasa maayos nang kalagayan at nasa pangangalaga ng pulisya ang dalagang biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO1Leonides Mendoza, may hawak ng kaso, alas 6:30 ng gabi nang magtu­ngo sa kanilang himpilan ang isang binata kasama ang nakatakas na biktima upang i-report ang kanyang pagkakatakas sa mga lalaking dumukot sa kanya.

Ayon sa biktima, habang minamaneho niya ang kanyang Fortuner (ZAV 446) sa kahabaan ng Cubao nang biglang bungguin ang kanyang likuran. Agad umano siyang bumaba upang tingnan ito subalit dito na agad siyang dinikitan ng isang lalaki na nakasuot ng bonnet at tinutukan siya ng patalim. Muli siyang pinasakay sa kaalnyang sasakyan sa driver seat habang tumabi sa kanyang harapan ang suspek habang isa pang lalaki ang sumakay. Sinabihan siyang ituloy ang pagmamaneho, habang may sumusunod pang isang single na motorsiklo sa kanyang likuran na posibleng kasamahan ng mga suspek.

Habang bumabagtas ang sasakyan ay inutusan ng isang suspek ang biktima na tumawag sa kanyang Daddy at sabihin na siya ay kinidnap. Nang nasa Carmona Exit na ay pinahinto ang sasakyan at isa sa mga suspek ang nag-drive at piniringan na ng panyo ang mga mata ng biktima.

Matapos ang ilang oras, huminto ang sasakyan at ibinaba ang dalaga sa isang liblib na lugar na ipinasok at itinago sa isang bahay sa Brgy. Dapdap East. Nang makaramdam ang biktima nang katahimikan ay dito dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang pi­ring at nakita niya na isang lalaki lang ang nagbabantay sa kanya at umiinom ng alak. Nang makakita ng tiyempo, dahan-dahan siyang lumakad patago at nang makalayo sa bahay ay nagtatakbo na siya hanggang sa masalubong ang binata na tumulong sa kanya upang mag-report sa mga awtoridad.

Sa operasyon ng pulis­ya, narekober ang Fortuner ng biktima na inabandona sa boundery ng Brgy. Dapdap East, Tagaytay at Brgy. Casili sa Cabuyao, Laguna.

 

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CARMONA EXIT

DAPDAP EAST

EAST TAGAYTAY CITY

FORTUNER

ISANG

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with