^

Probinsiya

P7.5M droga nasabat sa Laguna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa P7.5 milyon ang halaga ng ilegal na droga ang nabawi mula sa isang Nigerian national sa kanyang bahay sa Laguna.

Nakilala ang suspek na si Alphonce Koussi Alla,38, na inaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Angel, San Pablo City kahapon.

Dinakip si Koussi sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32.

Nabawi mula sa dayuhan ang 22 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P110,000, dalawang plastic bag na may isa’t kalahating kilo ng shabu na tinatayang aabot sa P7.5 milyon ang halaga, digital weighing scale at kargadong kalibre .38 na revolver.

Nasa kustodiya na ng San Pablo City municipal police ang suspek, habang dinala na sa Laguna provincial crime laboratory ang mga nakumpiskang droga.

vuukle comment

ALPHONCE KOUSSI ALLA

BRGY

DINAKIP

JUDGE AGRIPINO MORGA

KOUSSI

NABAWI

NAKILALA

SAN PABLO CITY

SAN PABLO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with