^

Probinsiya

Lee nakakulong na sa Pampanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakakulong na ang negosyante at isa sa mga most wanted sa bansa na si Delfin Lee sa loob ng detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga.

Iniutos ni Fernando City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Edgar Chua ang pagkakakulong ni Lee sa isang selda.

Naunang ikinulong ang negosyante sa loob ng isang bungalow-type house na may dalawang selda habang inaasikaso ng kanyang kampo ang kanilang mosyon upang makalaya si Lee.

Nakatakdang basahan ng sakdal si Lee sa Marso 10 sa San Fernando RTC Branch 42.

Nasakote si Lee kagabi sa harap ng Hyatt Hotel and Casino ng pinagsamang puwersa ng Task Force Tugis at Manila Police District.

Nahaharap sa kasong syndicated estafa ang pinuno ng Globe Asiatique dahil sa maanomalyang P6 bilyon housing loans sa PAG-IBIG gamit ang iba’t ibang pangalan.

Samantala, iginiit ng abogado niya na si Gilbert Repizo na hindi dapat makulong ang kanyang kliyente dahil pinawalangbisa ng Court of Appeals ang warrant of arrest laban sa kanya.

Pero matatandaang dinala ng Department of Justice ang kaso sa Korte Suprema.

COURT OF APPEALS

DELFIN LEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXECUTIVE JUDGE EDGAR CHUA

FERNANDO CITY REGIONAL TRIAL COURT

GILBERT REPIZO

GLOBE ASIATIQUE

HYATT HOTEL AND CASINO

KORTE SUPREMA

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with