^

Probinsiya

Batang ex-warrior nilikida ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 10-anyos na totoy na sinanay na mandirigma matapos itong niratrat ng mga bandidaong Abu Sayyaf Group dahil sa pagtalikod nito sa ektre­mistang grupo sa naganap na karahasan sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan.

Sa ulat ni Army’s 104th Infantry Brigade Commander Col. Carlito Galvez, naganap ang pamamaslang sa biktimang si Bingol Palaraw  sa harapan ng Muslim Religious School sa bayan ng Tipo-Tipo bandang alas-7 ng gabi.

Ang batang ginawang mandirigma ng mga bandido ay nasagip sa isa sa mga operasyon  ng tropa ng militar  laban sa Abu Sayyaf may 8-buwan na ang nakalipas matapos tumakas mula sa umbagerong ama-amahan.

Nabatid na ang bata ay sinanay sa terorismo ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama na kilalang notoryus sa mga kaso ng kidnap-for-ransom, pambobomba, ambuscades laban sa security forces at maging pamumugot ng ulo ng mga hostages.

Sa murang edad ng bata ay natuto itong magbitbit ng armas at makipagpalitan ng putok sa mga sundalo kung saan ang mga tinaguriang child warriors ay ginagawang frontline sa sagupaan.

Samantala, nasagip ang bata at isinailalim ito sa masusing stress debriefing hanggang sa mahimok na bumalik na muli sa pag-aaral sa tulong ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

BINGOL PALARAW

CARLITO GALVEZ

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL

MUSLIM RELIGIOUS SCHOOL

TIPO-TIPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with