Dalaga ni-rape slay ng 2 ‘adik’
CAVITE, Philippines – Brutal na pinatay ang isang dalaga matapos itong halayin ay pinagtulungang gulpihin ng dalawang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP ang biktima na si Carmela Tiozon habang naaresto naman ang mga suspek na sina Romulo Malasa Mori, at Miguel Pialago Daco na kapwa kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Romar Sinnung, bandang alas-8 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang duguan na may malalim na sugat sa ulo. Wala ring saplot ang biktima na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest