3 batang magkakapatid patay sa sunog sa La Union
March 3, 2014 | 10:57am
MANILA, Philippines – Patay ang tatlong batang magkakapatid nang masukol sa loob ng nasusunog nilang bahay sa La Union, Linggo ng gabi.
Nakilala ang mga biktimang sina Mae Joy Gacayan, 7; Sheena, 5; at Meynard Carl, 3; na pawang taga Barangay Polipol, San Gabriel.
Suwerte namang nakaligtas ang kanilang panganay na si John Mark, 10, na siyang humingi ng tulong.
Bandang alas-7 ng gabi nang magsimula ang sunog dahil sa naiwanang gasera.
Wala sa bahay ang mga magulang ng mga bata dahil inaasikaso nila ang kanilang bukirin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am