Chairman dedo sa road mishap
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Bumulagta ang beteranong barangay chairman matapos itong mahagip ng rumaragasang kotse sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Lapting, bayan ng San Juan, Ilocos Sur kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chairman Cesar Carasug ng Barangay Daclapan sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.
 Samantala, nasakote naman ang drayber ng kotse na si Antonio Siatriz ng nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ovetake sa biktimang nagmomotorsiklo ang rumaragasang kotse ni Siatriz kung saan nasagi ito at tumilapon ng ilang metro. Naisugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest

















