^

Probinsiya

Bus vs trike: Mag-asawa pisak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - — Patay ang mag-asawa matapos salpukin ng isang bus ang kanilang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng national highway sa Barangay  Abian, bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang nasawi na sina Oscar Ilarde, 69; at Celia Ilarde, 64, kapwa nakatira sa Barangay Ineangan, bayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Naganap ang trahedya sa bahagi ng Sitio Turturayok kung saan nagsalpukan ang traysikel na sinasakyan ng mag-asawa at Victory Liner (CWP248) na minamaneho ni Marlon Pattugalan, 41, ng #26 A. Reyes Street, Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Pauwi na ang mag-asawa sa bayan ng Dupax del norte nang makasalubong si kamatayan pagsapit sa pababang bahagi ng highway kung saan sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng nasabing bus.

Kaugnay nito, naalarma naman ang mga pasahero sa nasabing lalawigan matapos ang magkakasunod na trahedya na kinasasangkutan ng mga pampasaherong bus kabilang na ang Florida Bus na kumitil ng 14 katao sa Mt. Province kaya hindi pinayagang makabiyahe ang mga bus.

Ang mga bus na lamang ng Victory Liner na ang natitirang sasakyan ng mga pasahero na may rota sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Kalinga, Ifugao, Apayao at sa Nueva Vizcaya.

vuukle comment

BARANGAY INEANGAN

CELIA ILARDE

DUPAX

FLORIDA BUS

MARLON PATTUGALAN

MT. PROVINCE

NUEVA VIZCAYA

OSCAR ILARDE

REYES STREET

VICTORY LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with