^

Probinsiya

Judge itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang prominenteng huwes matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa naganap na pananambang sa kahabaan ng Narra Drive, Barangay Tugbungan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur  kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Inspector Ariel Huesca, PNP regional spokesman ang biktimang si Judge Renerio Estacio ng Zamboanga Regional Trial Court Branch 14  kung saan naisugod pa ito sa Doctors Hospital subalit namatay din.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:40 ng umaga­ habang lulan si Judge Estacio ng Honda CRV (KCH 111) nang sundan at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiko pagsapit sa nasabing lugar.

Nabatid na kaaalis lamang ng bahay ni Judge Estacio kasama ang kanyang misis nang pagbabarilin ng tandem  gamit ang cal. 45 pistol kung saan nakaligtas naman ang asawa nito.

Nabatid na ilan sa mga kasong kontrobersyal ang hawak ni Judge Estacio na may kaugnayan sa bawal na droga ang isa sa sinisilip ng mga awtoridad na pinaniniwalaang motibo sa naganap na pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY TUGBUNGAN

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DOCTORS HOSPITAL

JUDGE ESTACIO

JUDGE RENERIO ESTACIO

NABATID

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with