^

Probinsiya

P3-M ari-arian naabo

Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Tinatayang aabot sa P3 mil­yong halaga ng ari-arian  makaraang masunog ang administration building ng University of Southern Min­danao Agricultural Research Center (USMARC) sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Sa panayam kay Fire Senior­ Marshall Ibrahim Guiamalon, nagmula ang sunog sa tanggapan ni Director Romulo Cena sa ikalawang palapag ng nasabing gusali banda ng alas-12:53 ng madaling araw.

Bandang alas-2 ng madaling-araw ay naapula ang sunog kung saan ilang silid ng gusali ang hindi natupok ng apoy pero ang buong bahagi ng admin building ay nilamon ng apoy.

Tiniyak naman ni USM President Francisco Gil Garcia na hindi naman maapektuhan ang serbisyo ng naturang tanggapan.

Bagama’t may epekto ang sunog sa nasabing gusali, hindi  sapat para maparalisa ang operasyon nito at ng buong pamantasan.

Matatandaan na nitong nakalipas na araw ay tinangka ring sunugin ang Department of Fisheries and Animal Science sa loob ng na­sabing unibersidad.

vuukle comment

AGRICULTURAL RESEARCH CENTER

BAGAMA

DEPARTMENT OF FISHERIES AND ANIMAL SCIENCE

DIRECTOR ROMULO CENA

FIRE SENIOR

MARSHALL IBRAHIM GUIAMALON

NORTH COTABATO

PRESIDENT FRANCISCO GIL GARCIA

UNIVERSITY OF SOUTHERN MIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with