^

Probinsiya

199 sako ng mineral ore, nasabat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines   - Isang truck na naglalaman ng milyun-mil­yong halaga ng mineral ore ang nasabat ng mga awtoridad sa bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Joseph Miinit, 38, ng Minuya Norzagara, Bulacan, driver ng 10 wheeler dump truck (RLL613); at Jomar Figuracion, 41, helper at residente rin sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na dakong 5:50 ng umaga kamakalawa nang makatanggap ng tip sina PO3 Wilson Quiban at PO1 Dela Cruz mula sa isang concern citizen kaugnay umano sa biyahe ng nasabing kontrabando.

Agad na inilatag ang checkpoint kung saan nasabat ang sasakyan na kargado 199 na sako ng mga mineral ore.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang nasabing sasakyan ay nakapangalan umano sa isang alyas Kalarikkal Prabhakaran ng Caloocan City.

Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng pulisya habang ang truck na puno ng mine­ral ore ay ipinarada sa plaza sa nabanggit na bayan habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.

 

vuukle comment

ALFONSO CASTA

CALOOCAN CITY

DELA CRUZ

JOMAR FIGURACION

JOSEPH MIINIT

KALARIKKAL PRABHAKARAN

MINUYA NORZAGARA

NUEVA VIZCAYA

WILSON QUIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with