^

Probinsiya

Misis inutas ng lover

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines - – Napatay ang 40-anyos na misis ng kanyang lover matapos itong pagsasaksakin dahil sa matinding selos kamakalawa sa kanilang inuupahang bahay sa Barangay Poblacion, Balanga City, Bataan. Kinilala ni PO2 Valentina Callueng ang napatay na si Maricris Payson habang nasakote naman ang suspek na si Arturo Catapang, 50. Sa police report na nakarating kay Bataan PNP Director  P/Senior Supt. Audie Atienza, humihingi ng pera ang biktima sa suspek subalit hindi nito binigyan. Gayon pa man, nagpasaring ang biktima na manlalaki na lamang kaya nagalit ang suspek kung saan isinagawa ang krimen. Naisugod pa sa Bataan General Hospital ang biktima subalit idineklarang patay dahil sa 17-saksak sa katawan. Napag-alamang may sampung araw nang hindi umuuwi ang biktima na inakala ng suspek na may iba na itong lalaki.

vuukle comment

ARTURO CATAPANG

AUDIE ATIENZA

BALANGA CITY

BARANGAY POBLACION

BATAAN GENERAL HOSPITAL

GAYON

KINILALA

MARICRIS PAYSON

SENIOR SUPT

VALENTINA CALLUENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with