3 arestado sa sextortion
MANILA, Philippines - Nalansag ng mga opeÂratiba ng pulisya ang notoryus na sextortion syndicate makaraang masakote ang tatlong miyembro nito sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Apalit, Pampanga kamakalawa.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang tatlong suspek na sina Allan Canlas, Antonette Fabian at Ronald Asuncion.
Ayon kay PNP Cybercrime Group Director P/Senior Supt. Gilbert Sosa, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormason mula sa Hong Kong sa pamamagitan ng Consulate General of the Republic of the Philippines.
Sa sumbong ng isang OFW sa konsulado sa Hong Kong, isang babae na nagpakilalang si Sheila Fabian na ang tunay na pangalan ay Antonette Fabian kung saan naging mag-kaibigan sila at ibinigay pa niya ang contact number at e-mail address.
Pumayag si Sheila na makipag-sex online sa Hong Kong na naganap ng dalawang beses noong Oktubre at Nobyembre 2013.
Gayon pa man, laking gulat ng OFW nang makatanggap siya ng kanyang mga larawan na nakahubo’t hubad mula Kay Sheila at bina-black mail siyang ipakakalat ito kapag hindi magbabayad ng P1 milyon.
Agad namang ikinasa ang operasyon kung saan nasakote ang mga suspek kung saan narekober ang isang withdrawal slip na nagkakahalaga ng P120,000 via Western Union mula sa Hong Kong.
Nabatid pa na ang modus operandi ng nasabing sindikato na gumagamit ng mga magagandang babae ay mang-akit sa on-line sex sa mga kalalakihan partikular na ang mga OFW, mayayamang personalidad at iba pa.
Kapag kumagat ang biktima ay papadalhan ang mga ito ng kanilang mga hubo’t hubad na larawan saka ibla-blackmail na ipakakalat sa social networking sites kapag hindi nagbabayad ng malaking halaga.
- Latest