^

Probinsiya

2 turista ginulpe sa Boracay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gulpi-sarado ang ina­bot ng dalawang dayuhan matapos kuyugin at hatawin ng bote ng alak ng dalawang kalalakihan sa bahagi ng Boracay Island sa bayan ng Malay, Aklan noong Bi­yernes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga na­sugatan na sina Stefan Raphe Linder, 26, Swedish­ at Maria­ Rizanova, 26, Russian at mga turista sa na­sabing pamosong isla.

Samantala, arestado naman ang mga suspek na sina Bernard Cabanus, 23; at Joseph Gregorio, 21.

Sa ulat ng Boracay Tourist­ PNP, naganap ang insidente sa loob ng Bora­cay Regency Resort Juice Bar sa Barangay Balabag dakong alas-3:40 ng mada­ling-araw.

Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang dalawang biktima sa naturang bar nang lapitan ng dalawang suspek at bigla na lamang paghahatawin ng bote ng alak kasunod nito ay pinagsusuntok at pinagsisipa.

Agad namang isinugod sa Ciriaco Tirol Hospital ang mga biktima habang inaresto naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek.

Kasalukuyang naka­detine sa himpilan ng pulisya ang mga sigang suspek na ipinagharap na ng kasong kriminal ng dalawang dayuhan.

vuukle comment

BARANGAY BALABAG

BERNARD CABANUS

BORACAY ISLAND

BORACAY TOURIST

CIRIACO TIROL HOSPITAL

JOSEPH GREGORIO

REGENCY RESORT JUICE BAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with