^

Probinsiya

Hired killer tiklo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Bagsak kalaboso ang isa sa dalawang lalaking pinaghihinalaang ‘hired killer’  na umanoy res­ponsable sa pagbaril at pagpatay sa isang kandidato  sa nakalipas na 2013 Barangay Election matapos na matunton ng pulisya  ang pinagtataguan nito sa Brgy. Tibagan, San Miguel,Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na nakapalag pa ng arestuhin sa loob ng kanyang bahay ang suspek na si Phillip Legaspi, 35 residente ng Brgy. Tibagan, miyembro ng notoryus na Chico gun for hire, robbery/holdup at gun running gang na may standing warrant of arrest sa kasong murder sa sala ni Judge Hermenegildo Dumlao ng Reginal Trial Court (RTC) Branch sa Malolos City at walang inirekomendang piyansa sa pansamantala nitong paglaya.

Sa ulat ni Chief Insp. Haroun Pagador ng Criminal Investigation and Detection Team-Bulacan dakong alas 11:30 ng umaga ay natunton ng kanyang mga tauhan ang lungga ng suspek base sa impormasyon ng isang police asset sa nasabing lugar.

Base naman sa rekord ng korte si Legaspi ang itinuturong isa sa dalawang salarin na lumikida sa biktimang Construction Foreman na si Ruel Viola, 35, kumandidato sa hala­lang pambarangay noong Mayo 2013 sa bayang  ito noong gabi ng Hulyo 26, 2013. Ang biktima ay napuruhan ng 7 tama ng bala ng cal. 45 pistol na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

BARANGAY ELECTION

BRGY

CHIEF INSP

CONSTRUCTION FOREMAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM-BULACAN

HAROUN PAGADOR

JUDGE HERMENEGILDO DUMLAO

MALOLOS CITY

PHILLIP LEGASPI

REGINAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with