^

Probinsiya

Lolo’t lola magkasama hanggang kamatayan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Magkasunod na namatay ang 82-anyos na lolo at ang kanyang 79-anyos na misis sa kanilang nirerenta­hang apartment sa Bumatay Building, Barangay Sibut sa San Jose  City, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng San Jose City PNP, kamamatay lang ng mag-asawang Casimiro Sudario y Grospe at Teresita Sudario y Espiritu nang matagpuan ng kanilang mga kapitbahay.

Base sa pagsusuri ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) at ng mga doktor, katandaan ang ikinamatay ng mag-asawa at walang palatandaang may foul play.

Nabatid pa sa pagsisiyasat ng pulisya, naunang namatay si Lolo Casimiro base sa salaysay ng 13-anyos na si Avegail Silvestre matapos nitong matagpuan itong wala nang buhay bandang alas-5:30 ng hapon.

Nabatid na inutusan ni Lola Teresita si Avegail na bumili ng load sa tindahan upang tawagan at ipaalam ang pagkamatay ni Lolo Casimiro sa kanilang anak na nakatira sa Maynila.

Matapos makausap ni Lola Teresita ang anak na nasa Maynila bandang alas-7 ng gabi ay namatay na ito, ayon pa sa ulat.

Wala naman balak ang pamilya ng mag-asawa na isailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng mag-asawa, base sa pahayag ng utol ni Lolo Casimiro na si Dionisio Sudario, 77, isang retiradong US Army, ng Lupao, Nueva Ecija.

Dahil sa magkasunod na namatay ang mag-asawa ay masasabing mahal na mahal nila ang isa’t-isa hanggang sa kamatayan, pahayag pa ni Lolo Dionisio.

 

vuukle comment

AVEGAIL SILVESTRE

BARANGAY SIBUT

BUMATAY BUILDING

CASIMIRO SUDARIO

DIONISIO SUDARIO

LOLA TERESITA

LOLO CASIMIRO

LOLO DIONISIO

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with