^

Probinsiya

Sleepwalker utas nang tumalon sa 2nd floor ng bahay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines â€“ Patay ang isang 22-anyos na babae matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay sa Zamboanga City, ayon sa mga pulis.

Nakilala ang biktimang si Allexie Jean Columbres, 22, residente ng Morning Glory, Barngay Putik, na hinihinalang may sakit na somnambulism o sleepwalking.

Base sa imbestigasyon, nagising ang mga kasama sa bahay ni Columbres dahil sa pagtatahol ng mga aso bandang 12:50 ng madaling araw.

Sumilip sa bintana ang kapatid ng biktima at ang kasambahay at laking gulat nang sumambulat sa kanila ang duguang katawan ni Columbres.

Kaagad itinimbre ng barangay tanod na si Roy Baning ang insidente sa mga pulis.

Ayon sa kapatid ng biktima ay naikuwento ni Columbres ang mga nakaraang panaginip na lumilipad siya palabas ng bintana.

Naniniwala ang mga kamag-anak ng biktima na sleepwalking ang ikinasawi ni Columbres.MANILA, Philippines â€“ Patay ang isang 22-anyos na babae matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay sa Zamboanga City, ayon sa mga pulis.

Nakilala ang biktimang si Allexie Jean Columbres, 22, residente ng Morning Glory, Barngay Putik, na hinihinalang may sakit na somnambulism o sleepwalking.

Base sa imbestigasyon, nagising ang mga kasama sa bahay ni Columbres dahil sa pagtatahol ng mga aso bandang 12:50 ng madaling araw.

Sumilip sa bintana ang kapatid ng biktima at ang kasambahay at laking gulat nang sumambulat sa kanila ang duguang katawan ni Columbres.

Kaagad itinimbre ng barangay tanod na si Roy Baning ang insidente sa mga pulis.

Ayon sa kapatid ng biktima ay naikuwento ni Columbres ang mga nakaraang panaginip na lumilipad siya palabas ng bintana.

Naniniwala ang mga kamag-anak ng biktima na sleepwalking ang ikinasawi ni Columbres.

vuukle comment

ALLEXIE JEAN COLUMBRES

AYON

BARNGAY PUTIK

COLUMBRES

KAAGAD

MORNING GLORY

NAKILALA

ROY BANING

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with