Jeepney swak sa kanal: 5 utas, 28 sugatan
CAGAYAN , Philippines – Hindi pa nareresolba ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang naganap na malagim na sakuna sa Mt. Province ay isa na namang trahedya ang naganap sa kabundukan ng Sitio Galitungan, Barangay Nalbuan sa bayan ng Licuan-Baay, Abra kung saan lima-katao ang namatay matapos mahulog ang pampasaherong jeepney sa malalim na kanal kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Victor Orcino, ang mga namatay na sina Melba Millare, Solomen Colongan, Veronica Tucio, Norren Tugadi at si Dimple Tugadi na kasama sa mga dumalo sa pagtitipon ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid na nawalan ng control sa manibela ang driver na si Victor Pacio kaya bumulusok sa kurbadang highway bago nahulog sa malalim na kanal kung saan ito bumaliktad.
Kabilang ang driver na si Pacio sa 28-sugatang isinugod sa Abra Provincial Hospital sa bayan ng Bangued habang siyam naman ang naisinugod sa Abra Christian Hospital at 8 naman sa Seares Memorial Hospital.
Matatandaan na 14 – kaÂtao ang namatay habang 31 naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos mahulog ang Florida Trans Bus sa malalim na bangin sa Banaue- Bontoc Road sa Mt. Province noong Biyernes ng umaga.
- Latest