^

Probinsiya

2 utas sa pananambang sa Zambo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang dating kapitan ng barangay at isang barangay tanod sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, ayon sa mga pulis.

Nakilala ang mga biktima na sina Lowell Lalican, 48, dating kapitan ng barangay, at Calito Catadman, pinuno ng mga tanod, na kapwa residente ng Barangay Lison Valley, Pagadian City.

Bukod kina Lalican at Catadman, sugatan naman ang 15-anyos na dalagitang si Christine Mie.

Lumabas sa imbestigasyon na nanonood lamang sa telebisyon ang mga biktima nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-10 ng gabi kagabi.

Patay agad sina Lalican at Catadman, habang isinugod sa Zamboanga del Sur Medical Center ang dalagita.

Narekober sa bahay ni Lalican ang mga basyo ng M16 at carbine rifles.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pananambang.

vuukle comment

BARANGAY LISON VALLEY

CALITO CATADMAN

CATADMAN

CHRISTINE MIE

LALICAN

LOWELL LALICAN

PAGADIAN CITY

PATAY

SUR MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with