Mister pinutulan ng ari
BULACAN, Philippines - – Nagwakas ang pagiging macho ng 40-anyos na mister matapos itong putulan ng ari ng tatlong kalaÂlakihan na nagpanggap na mga tauhan ng Phil. Drug enforcement Agency kamakalawa ng hapon sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ligtas naman naisugod sa ospital ang biktimang si Rodelio Salo, drayber at nakatira sa nabanggit na barangay.
Lumilitaw na nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang biglang dumating ang tatlong kalaÂlakihan na nagpanggap na PDEA kung saan nagsilbi ng search warrant kaugnay sa kasong bawal na droga, ayon sa ulat ni PO3 Enrique Bolina
Habang isinisilbi ang search warrant sa loob ng bahay ay kaagad na tinutukan ng baril ang biktima saka iginapos ang mga kamay at paa nito.
Dito ibinaba ang pantalon ng biktima saka pinutol ang pagkalalaki nito gamit ang matalim na kutsilyo saka mabilis na tumakas ang mga armadong lalaki na lulan ng kotse na may plakang TLY 413.
Tumanggi namang magbigay ng detalye ang biktima kaugnay sa naganap na krimen.
- Latest