^

Probinsiya

15-anyos stude ni-rape slay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na hasykul student matapos itong halayin ay pinagpapalo pa ng traysikel driver na sinasabing lango sa bawal na droga sa panibagong karahasang naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng diversion road sa Sitio Baribag, Sorsogon City, Sorsogon.

Dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Angela Grajo, 3rd year High School student sa Saint Louise De Marillac at residente ng SPPVS, Barangay Bibingcahan sa nasabing lungsod.

Huling namataang buhay ang biktima na lulan ng traysikel mula sa pagbisita sa kanyang kaibigan sa 3rd Street OLV sa Barangay Bibingcahan subalit hindi na nakauwi.

Gayon pa man, may ilang nakasaksi na tumalon sa traysikel ang biktima sa hindi nabatid na dahilan kung saan sinaklolohan naman ito ng drayber hanggang sa matagpuan ang bangkay nito.

Samantala, tinungo ng pulisya ang bahay ng drayber ng traysikel na sinakyan ng biktima subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito umuuwi.

 

vuukle comment

ALBAY

ANGELA GRAJO

BARANGAY BIBINGCAHAN

DAKONG

GAYON

HIGH SCHOOL

HULING

SAINT LOUISE DE MARILLAC

SITIO BARIBAG

SORSOGON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with