^

Probinsiya

30,000 nabiyayaan ng ECP ni Mercado

Pilipino Star Ngayon

LAGUNA , Philippines   â€“ Umaabot sa 30,000 senior citizens sa Laguna ang nabiyayaan ng Eye Care Program o Balik Paningin Program ng Anak ng Laguna, Inc. ni  Soy Mercado na isang pilantropo at negosyante.

Bukod sa 30,000 senior citizens ang nabigyan ng lib­reng konsultasyon at operas­yon sa mata ay nabiyayaan din ng libreng operasyon ang 1,000 maralitang residente.

“Aabot sa mahigit 250,000 senior citizens ng Laguna ang target na serbisyuhan ng ECP sa pamamagitan ng ANLI sa loob ng susunod na limang taon mula ngayon at ito ay pawang libreng serbis­yo,” ayon pa kay Mercado.

Ayon kay Mercado, ang ECP program ay kanyang inilunsad bilang makahulugang pagkilala sa tunay na pangarap ni Dr. Jose Rizal na isang ophthalmologist, makabayan, at mapagmahal sa kapwa.

“Naniniwala ako na kara­pat-dapat lang ipagpatuloy ang pangarap ng ating pambansang bayani na makatulong sa pagpagamot ng mga mata ng libre sa Laguna at kalapit na lugar ng walang kapalit,” dagdag pa ni Mercado.

Ang ECP ng ANLI ay may makabagong kagamitan sa pagsusuri na ginaganap sa mga pribadong klinika sa kanilang tahanan sa Cataquiz Homes 1, Barangay Tagapo, Sta. Rosa City; Mabuhay Commercial Center, Mamatid, Cabuyao City, Laguna; Brgy. Halang, Calamba City, Laguna at sa St. Jasper Medical Hospital, bayan ng Pakil, Laguna.

 

BALIK PANINGIN PROGRAM

BARANGAY TAGAPO

CABUYAO CITY

CALAMBA CITY

CATAQUIZ HOMES

DR. JOSE RIZAL

EYE CARE PROGRAM

LAGUNA

MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with