Chop-chop na lalaki natagpuan
NUEVA ECIJA , Philippines – Mga putul-putol na bahagi ng katawan ng isang lalaki ang natagpuan ng mga nagdya-jogging sa kahabaan ng Provincial Road, sakop ng Barangay General Ricarte, sa bayan ng Llanera ng lalawigang ito, noong Biyernes.
Sa ulat ng Llanera Police, natagpuan ang mga putol na bahagi ng katawan ng tao, bandang alas-6:40 ng umaga noong Biyernes. Agad na nagpalabas ng flash alarm ang pulisya.
Noong Enero 25, isang Angelito Areola, 71-anyos, ng Brgy. Gen. Luna ng nasabing bayan, ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at sinabing sa anak niya ang mga putol na bahagi ng katawan, batay sa personal belongings na nakita rito.
Dahil dito, kinilala ng pulisÂya ang biktima na si Cornelio Areola, alyas Arnel, 44-anyos, binata at dealer-coordinator ng Cignal Digital TV at ahente ng Smart Money and Smart Communications, Inc., sa Cabanatuan City.
- Latest