^

Probinsiya

Trader ng ginto, utas sa holdap

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   - Isang negos­yante na bumibili ng ginto ang nasawi matapos na harangin at paulanan ng bala ng mga di-nakikilalang holdaper habang sakay ng motorsiklo at saka tinangay ang mga pinami­ling mga ginto sa Barangay Concepcion, Aroroy, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jestoni Laurio, 24, may live-in-partner, at residente ng Barangay Panique, Aroroy, Masbate.

Sa ulat ng pulisya,  dakong ala-1:30 ng hapon naganap ang panghoholdap habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo papauwi na sa kanilang lugar, galing sa Barangay Pangle matapos na mamili ng ginto sa mga minero.

Bigla na lamang lumutang ang dalawang di-nakikilalang suspek hinarang ang biktima at agad siyang pinagbabaril.

Nang makitang nakabulagta at wala nang buhay ang biktima, mabilis na kinuha ng mga suspek ang bag na naglalaman ng mga ginto na binili nito sa mga minero at ang hindi pa mabatid na pera na dala nito.

Kaagad na tumakas papalayo ang mga suspek matapos na isagawa ang krimen at makulimbat ang pakay na mga ginto.

Narekober ng nagrespondeng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng  kalibre .45 pistola siyang ginamit ng mga suspek sa pamamaslang sa mister.

 

vuukle comment

AROROY

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY PANGLE

BARANGAY PANIQUE

BIGLA

JESTONI LAURIO

LEGAZPI CITY

MASBATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with