Lolo nakuryente, hulog sa puno ng niyog

MANILA, Philippines - Patay ang isang 80 anyos na lolo nang mahulog sa puno ng niyog makaraang aksidenteng makuryente  sa malagim na insidente sa Brgy. Depase, Bayog, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Gaudencio Pugoy, residente ng nasabing lugar, agad binawian ng buhay sa pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente sa katawan nito at pagkabali ng katawan.

Sa ulat, sinabi ni Chief Ins-pector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga.

Kasalukuyang nasa itaas ng puno ng niyog ang matanda na nagpuputol ng mga sanga nang aksidenteng humapay sa live wire ang isa sa mga pinutol nito.

Tuluy-tuloy namang dumaloy sa katawan ng matanda ang malakas na boltahe ng kuryente bunsod upang mahulog ito sa may 7 metrong taas ng punong niyog na siya nitong ikinamatay.

Show comments